Pinagyamang pluma 10 : wika at panitikan para sa mataas na paaralan : aklat 1 by Emily V. Marasigan, Mary Grace G. Del Rosario and Alma M. Dayag
Material type:
Item type | Current library | Call number | Status | Date due | Barcode |
---|---|---|---|---|---|
![]() |
CAT College, Inc. - Main Library Circulation Section | JHS 899.21109 M11p 2019 (Browse shelf (Opens below)) | Available | J2294 |
"Ang Pluma ay higit na makapangyarihan kaysa tabak." Sa maraming pagkakataon sa ating kasaysayan, napatunayan ang kapangyarihan ng pluma o panulat bilang instrumento ng pagbabago. Ang PLUMA ay sumasagisag sa isang taimtim na panalangin at mithiing ang serye nawang ito ay maging instrumento sa paglinang ng kabataang hindi lamang mtatalino kundi maka-Diyos, may mabubuting kalooban, handa sa hamong dala ng totoong buhay, at kapaki-pakinabang sa kapwa, sa kalikasan, at sa bayan. Ang edisyong ito ng Bagong Pinagyamang PLUMA Wika at Panitikan para sa Ikasampung Baitang ay nakabatay sa K to 12 Dokumentong Pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon. Bukod sa maingat na nasunod at napagyaman pa ang bawat istandard at kompetensing itinatadhana ng kurikulum ay tiniyak ng mga may-akdang ang aklat ay magiging hitik sa mga pagsasanay at gawaing angkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay. Higit sa lahat ang mga pagsasanay na inilaan sa bawat aralin ay tumutugon sa mga pagtatayang susukat sa kaalaman (Knowledge), kasanayan (Process), pag-unawa (Understanding), at pagsasagawa/pagbuo (Performance/Product) na lubhang mahalaga upang maging ganap at makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral at makapaghahanda sa kanila sa mga hamon ng totoong buhay hindi lang ngayon kundi sa mga darating pang panahon. Makikita sa mga susunod na pahina ang ilang bahaging hinango mula sa iba't ibang aralin sa aklat. Ipinakikita sa mga ito kung paano binalangkas ang bawat bahagi ng aklat upang malinang at maisakatuparan ang mga layuning nabanggit para mga mag-aaral na gagamit nito."
Filipino text.
There are no comments on this title.